Higit P53M na jackpot sa Grand Lotto napanalunan ng isang mananaya

Isang mananaya ang nagwagi sa mahigit P53 million na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.

Sa isinagawang draw ng PCSO, Miyerkules ng gabi, isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 34-09-28-24-19-42.

Samantala, sa isasagawang Ultra Lotto 6/58 draw bukas, araw ng Biyernes, mas lalo pang lalaki ang jackpot prize.

Posible umanong pumalo na sa halos P770 million ang jackpot prize bukas.

Dahil dito, mahihigitan na ang pinakamalaking jackpot prize na naitala noong 2010 na P741 milyon.

Read more...