TienDA Malasakit Store bubuksan na din sa DA compound sa QC

Bureau of Plant Industry

Muling bubuksan ng Department of Agriculture (DA) sa publiko ang TienDA Malasakit Store nito sa San Andres, Maynila.

Bukas araw ng Biyernes at sa Sabado makabibili ng murang halaga ng gulay at iba pang produkto ang mga mamimili sa compound ng Bureau of Plant and Industry (BPI) sa San Andres.

Maliban dito, isa pang tindahan ang bubuksan din ng DA sa Biyernes at Sabado sa compound ng kagawaran sa Elliptical Road sa Quezon City.

Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, tone-toneladang gulay at prutas ang mabibili sa Maynila at Quezon City bukas na pawang galing ng Mindanao at mababa ang presyo.

May ibebenta ring murang tuna at tilapia galing sa Central Luzon at dressed na manok.

May commercial rice din na galing sa Central Luzon na ang halaga ay P40 kada kilo.

Magsisimulang magbukas ang tindahan alas 6:00 ng umaga.

Read more...