B-52 bombers pinalipad ng US sa South China Sea

Nagpalipad ng B-52 bombers ang US military sa bisinidad ng South China Sea.

Ito ay sa gitna ng tensyon na namamagitan sa Estados Unidos at sa China.

Ayon kay Lt. Col. Dave Eastburn, tagapagsalita ng Pentagon ang pagpapalipad ng B-52 bimbers ay bahagi ng kanilang regular na scheduled operations para sa pagpapaigting ng kanilang interoperability sa mga kaalyadong bansa sa rehiyon.

Inaasahan namang hindi magiging maganda ang reaksyon dito ng Beijing.

Ani Eastburn noong Martes nagpalipad din sila ng B-52 bombers sa East China Sea.

Noong Hunyo, nagpahayag na ang foreign ministry ng Beijing na walang military ship o aircraft na makasisindak sa China sa pagprotekta nito sa kanilang teritoryo.

Read more...