Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 33 kilometers South ng Governor Generoso 6:40 umaga ng Huwebes, September 27.

May lalim na 129 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Kaninang 3:30 ng madaling araw ay tumama na rin ang magnitude 3.3 na lindol sa Governor Generoso.

Read more...