Sa 4AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 750 kilometers East ng Basco, Batanes.
Napanatili nito ang taglay niyang lakas ng hangin na aabot sa 160 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA napakabagal ng galaw ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.
Pero sa susunod na 24 na oras inaasahang unti-unti nang bibilis ang kilos nito, magre-recurve sa direksyong hilagang kanluran at magtutungo na sa Ryuku Islands sa Japan.
Sa Sabado, Sept. 29 inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.
Bukas ay magdudulot ito ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa hilagang bahagi ng Luzon.
Ngayong araw naman, dahil sa Habagat ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga Region.
Habang ang nalalabi pang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay makararanas ng maaliwalas na panahon na mayroon lamang isolated na mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.