Trillanes, handa sa magiging desisyon ng Makati court sa kasong kudeta

Photo c/o NCRPO

Handa si Sen. Antoniot Trillanes IV na harapin anumang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 sa kanyang kasong kudeta.

Sa press conference sa Senado, sinabi ni Trillanes na kung submitted for resolution na ang kaso, ibig sabihin ay maghihintay na lang kung ano ang desisyon ng korte.

Ipinaubaya ng Senador sa Diyos anuman ang resolusyon ng korte.

Pahayag ito ni Trillanes matapos sagutin ng Department of Justice (DOJ) ang kanyang mosyon kaugnay ng hiling ng ahensya na arrest warrant laban sa kanya.

Anuman anyang desisyon ng korte ay simbolo ng estado ng demokrasya dahil masusubukan nito ang katibayan ng iba’t ibang institusyon.

Non-bailable offense ang kasong kudeta na kinakaharap ni Trillanes sa naturang korte.

Read more...