Security guard natagpuang patay sa loob ng kanyang inuupahan sa Navotas City

Nangangamoy na ang bangkay ng isang security guard nang ito ay matagpuan sa loob ng kanyang inuupahang kunit sa Barangay Tangos, Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Americo Marmol, 51 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, napansin ng may-ari ng paupahan na tatlong araw nang nakakandado ang unit ng biktima at napansin nitong mayroong hindi kanais-nais na amoy na nanggagaling mula sa loob nito.

Kaya naman agad itong humingi ng tulong sa mga kawani ng barangay upang pasukin ang unit.

Doon na natagpuan ang walang buhay na katawan ni Marmol.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay ng biktima, kaya naman dinala na ito sa punerarya kung saan ito sasailalim sa autopsy.

Sinasabing huling nakitang buhay si Marmol noong ala-1 ng hapon ng September 23, araw ng Linggo.

Read more...