Magnolia wagi kontra Rain or Shine sa Governor’s Cup

Tinalo ng Magnolia Hotshots ang Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Natapos ang laro sa isko na 92-76 pabor sa Hotshots.

Ayon sa head coach ng koponan na si Chito Victolero, maganda ang naging performance ng buong team.

Aniya, ginawa ng mga miyembro ng Magnolia sa laro ang lahat ng kanilang inensyo.

Dagdag pa nito, proud siya sa buong koponan dahil nakabawi na sila mula sa kanilag naunang pagkatalo laban sa Phoenix Fuel Masters.

Makatutulong din aniya ang kanilang pagkapanalo para sa kanilang susunod na laban kontra sa San Miguel Beermen.

Pinangunahan nina Paul Lee at Romeo Travis ang koponan matapos nilang kapwa makapagtala ng 22 puntos.

Para naman sa Elasto Painters, si J’Nathan Bullock ang nanguna sa pamamagitan ng 15 puntos at 10 rebounds.

Read more...