Magnitude 3.1 na lindol, tumama sa Iloilo

Photo credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Iloilo, Miyerkules ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, niyanig ng lindol ang bayan ng Tubungan bandang 9:28 ng gabi.

May lalim ang lindol na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...