La Salle pasok na rin sa THE World University Rangkings 2019

Mayroon nang kasama ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa mga paaralang kumakatawan sa bansa na kabilang sa listahan ng Times Higher Education (THE) World University Rankings.

Para sa taong 2019, pasok sa 801-1000 bracket ang De La Salle University (DLSU).

Umangat naman mula sa 601-800 bracket patungong 501-600 bracket ang UP.

Ang THE World University Rankings ay listahan ng top 1,000 universities sa buong mundo batay sa 13 performance indicators partikular ang pagtuturo, pananaliksik, citations, industry income, at international outlook.

Sa ikatlong sunod na taon ay nananatili sa unang pwesto ang University of Oxford, habang pumangalawa naman ang University of Cambridge.

Pangatlo sa listahan ang Stanford University at ikaapat ang Massachusetts Institute of Technology. Habang ikalima ang California Institute of Technology.

Samantala, para sa best university sa Asya, kinuha ito ng Tsinghua University na nasa ika-22 pwesto.

Read more...