Lalaki sugatan dahil sa pananaksak sa Navotas City

Blangko pa ang mga otoridad tungkol sa motibo ng pananaksak sa isang lalaki sa Barangay NBBS, Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Wilfredo Gianan, 38 taong gulang, habang nakilala lamang ang salarin sa alyas na Randy.

Ayon sa mga otoridad, isang tricycle driver ang nakakita sa duguang katawan ng biktima na sinaksak sa kanyang tiyan.

Agad itong isinugod sa ospital, kung saan nagpapagaling ang biktima na nasa maayos nang kalagayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa insidente, partikular ang motibo nito. Kasabay ng imbestigasyon ay tinutugis na rin ng mga pulis si alyas Randy.

Read more...