Qatar tataasan pa ang produksyon ng krudo

AP

Inanunsyo ng Qatari government na plano nilang palakasin pa ang produksyon ng natural gas.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng pinuno ng Qatar Petroleum na si Saad al-Kaabi na 10% ang kanilang itataas sa produksyon pagdating ng taong 2024 o 110 milyong tonelada bawat taon.

Ayon kay Kaabi, sa pamamagitan nito ay mapalalakas pa ang kanilang posisyon bilang pinakamalaking producer at exporter ng liquefied natural gas (LNG).

Makatutulong din aniya ito para sa economic growth ng bansa.

Dagdag pa ni Kaabi, wala silang ibang dahilan sa pagpapalaki ng natural gas production kundi para sa negosyo lamang.

Aniya pa, wala silang planong sirain ang Dolphin gas pipeline, kung saan kahati nila dito ang United Arab Emirates (UAE).

Read more...