Bus driver arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Contributed photo

Timbog ang isang lalaking bus driver matapos ang ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Nestor Manlapaz, 39 taong gulang na residente sa lugar.

Ayon sa mga pulis, si Manlapaz ay isang newly identified drug suspect.

Narekober mula dito ang apat na piraso ng maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, at isang cellphone na posibleng gamit nito sa kanyang mga transaksyon.

Dahil dito ay mahaharap si Manlapaz sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...