Lalaki pinagsasaksak ng kapatid sa Malabon City

Nagpapagaling na sa ospital ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng kanyang sariling kapatid sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Zaldy Villanueva, 28 taong gulang, na sinaksak ng babaeng kapatid na si Rebecca, 42 taong gulang/

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, away dahil sa utang ang dahilan ng krimen. Sinasabing mayroon kasing utang ang biktima sa suspek.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo ay sinampal ni Zaldy si Rebecca, dahilan upang kumuha ito ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang nakababatang kapatid.

Agad na isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima, habang sumuko naman sa himpilan ng mga pulis ang suspek.

Read more...