Kawani ng barangay patay sa pamamaril sa Caloocan City

Inquirer file photo

Dead on the spot ang isang lalaki, habang sugatan naman ang kanyang anak, matapos silang pagbabarilin sa Barangay 185, Caloocan City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ernie Jamito, 29 na taong gulang, at isang lupon tagapamayapa.

Ayon sa mga otoridad, sakay si Jamito at kanyang anak ng isang motorsiklo matapos dumalo sa barangay hearing tungkol sa insidente ng pambubugbog sa Barangay 186 nang dumating ang isa pang motorsiklo lulan ang hindi pa nakikilalang suspek.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay dalawang beses pinaputukan sa likod ng kanyang ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nahulog naman mula sa motorsiklo ang kanyang anak nang mawalan na ito ng kontrol sa nasabing sasakyan.

Ayon sa mga saksi, tumakas ang suspek patungo sa Barangay 180. Ngunit anila, walang plaka ang gamit nitong motorsiklo.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad tungkol sa insidente, partikular ang motibo nito.

Read more...