Bagyong Paeng napanatili ang lakas habang mabagal na gumagalaw pahilaga

Nagpapatuloy ang mabagal na galaw ng bagyong Paeng habang tinatahak nito ang hilagang direksyon.

Sa 11PM severe whether bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 750 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Ayon sa weather bureau, napakabagal ng paggalaw ng bagyo na may dalang hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 195 kilometro kada oras.

Sa ngayon ay walang nakataas na tropical cyclone warning signal sa anumang bahagi ng bansa.

Gayunman, inaasahang magdadala ng mahina na paminsan ay katamtamang pag-ulan ang typhoon Paeng sa Hilagang Luzon sa Biyernes, September 28.

Mapanganib rin ang maglayag ang mga sasakyang pandagat sa hilaga at silangang bahagi ng karagatang sakop ng Luzon, maging sa eastern seaboard ng Visayas.

Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado ng umaga, September 29.

Read more...