Mga Pinoy na naapektuhan ng lindol sa Japan tinulungan ng pamahalaan

PNA

Nagtungo sa Hokkaido, Japan ang mga representative ng Philippine Embassy dalawang linggo matapos tumama dito ang magnitude 6.7 na lindol.

Batay sa datos na hawak ng Department of Foreign Affairs (DFA), 1,400 mga Pilipino ang nasa lugar at mula sa naturang bilang, 176 dito ang nabiyan ng libreng passport at iba pang serbisyo mula sa konsulada.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, mahalaga ang presensya ng embahada sa lugar kung saan naganap ang lindol dahil pagkakaton ito upang personal nilang makita ang lagay ng Filipino community.

Nagpasalamat pa si Laurel sa DFA dahil sa pagbibigay nito ng libreng tulong sa nga Pilipinong nasa Hokkaido.

Nagkaroon din ng pagpupulong ang Pilipinas sa pangunguna ni Consul General Robespierre Bolivar sa Samahang Pilipino sa Hokkaido (SPH) upang malaman kung ano pa ang pangangailangan ng mga Pinoy na nasa nasabing lugar. Pinag-usapan din ang tungkol sa mga contingency plans bilang paghahanda sa posibleng mga magaganap pang kalamidad.

Read more...