Tax evasion case laban sa asawa ni Napoles itutuloy ayon sa CA

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Jaime Napoles, asawa ni pork barell scam queen Janet Lim-Napoles na humiling na ibasura ang nakasampa sa kanyang tax evasion case.

Sa 11 pahinang desisyon ng CA na isinulat ni Associate Justice Cielito Mindaro-Grulla, pinagtibay nito ang naunang pasya ng CA Third Division na tuloy ang pagdinig sa kaso laban sa lalaking Napoles.

Bukod sa pagbabasura ng motion to quash sa P16.47 milyon tax evasion ay ibinasura rin ang kanyang ihinaing motion for reconsideration.

Ngunit nagsumite pa rin ng request for full court resolution sa pamamagitan ng petition for review si Napoles.

Inaakusahan si Napoles ng paglabag sa National Internal Revenue Code dahil hindi ito nakapagsumite ng kanyang income tax return para sa mga taong 2004, 2006, 2008, 2010, 2011, ay 2012

Sinasabing para naman sa kanyang ITR noong 2009 ay zero ang kanyang idineklarang kinita.

Ngunit batay sa imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR), mayroong pag-aaring real property, sasakyan, insurance policies, club membership, at milyong-pisong halaga ng investments si Napoles.

Read more...