Bill Cosby nakakulong na dahil sa sexual assault

AP

Sinimulan na ng aktor na si Bill Cosby ang kanyang tatlo hanggang sampung taong pagkakakulong dahil sa kasong sexual assualt.

Ito ay matapos dalhin na sa state prison na SCI Phoenix ang aktor na mayroong Inmate No. NN7687.

Sa kanyang unang gabi bilang isang inmate ay nanatili si Cosby sa isang single cell malapit sa infirmary.

Si Cosby ang kauna-unahang na-convict na kilalang personalidad sa kasagsagan ng #MeToo era sa Hollywood.

Tatlong counts ng sexual assault ang kinakaharap ngayon ng 81 taong gulang na aktor.

Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan ang mga biktima ni Cosby maging ang mga tagsuporta ng #MeToo movement.

Anila, isang malakas na mensahe ito sa lahat ng mga suspek sa sexual assault dahil walang sinuman ang mapoprotektahan ng kanilang ginawang krimen — mapa-miyembro man ng Hollywood o Wall Street o US Supreme Court.

Read more...