BJMP, gagamit ng eroplano sa paglipat ng high-value criminals

Magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng eroplano sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa ligtas na pag-lipat sa mga high value criminals.

Inanunsyo ito ng presidente sa seremonya para sa 250 na mga bagong sasakyan ng BJMP sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.

Dahil sa problema sa seguridad lalo na sa Mindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na bibili siya ng eroplano para sa BJMP bago matapos ang taon.

Bukod sa eroplano, ang mga bagong sasakyan, ayon kay BJMP chief Jail Director Deogracias Tapayan, ay makakatulong sa problema sa pag-transport ng mga preso sa hearing ng kanilang mga kaso.

Ang mga bagong sasakyan ay ipapamahagi sa lahat ng BJMP regional offices.

 

Read more...