Petisyon ni Peter Lim vs DOJ reinvestigation sa kanyang drug case, ibinasura ng SC

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng negosyanteng si Peter Go Lim na ihinto ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa kaso nitong may kaugnayan sa droga.

Sa kanyang petisyon ay hiniling ni Lim sa Supreme Court (SC) na maglabas ng temporary restraining order laban sa muling pag-imbestiga sa kanyang kaso.

Ayon kay Lim, ang kinakaharap niyang drug case ay base sa mga alegasyon na nilabag niya ang Comprehensive Drugs Acts para sa pagbebenta ng iligal na droga.

Argumento pa ng negosyante, noong Disyembre 2017 ay ibinasura na ng DOJ panel of investigators ang reklamo laban sa kanya.

Dahil dito aniya, ang utos ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre na muling imbestigahan ang kaso ay makukunsiderang grave abuse of discretion.

Pero sa resolusyon ng SC third division, ibinabasura ang petisyon ni Lim dahil sa kabiguang patunayan ang anumang “grave of discretion.”

Dagdag ng korte, lumabas na naaayon ang kaso sa mga ebidensya at sa batas.

 

Read more...