Sa isang video, mistulang hinamon ni Olivar ang mga estudyante ng University of the Philippines o UP na sumasali sa mga kilos-protesta na magbigti o mag-suicide.
Ang video ay ipinost ni Olivar noon pang Pebrero, pero muling lumutang sa social media.
Ayon kay RJ Naguit, ang chairman ng Youth for Mental Health Coalition o Y4MH, mariing kinokondena ng kanilang grupo ang anila’y “trivialization and promotion of suicide” ni Olivar.
Sinabi pa ni Naguit na masakit ito para sa mental health community, lalo na ang mga taong nawalan ng kaanak o kaibigan makaraang mag-suicide.
Aniya, ginagawa ng mental health advocacy groups ang lahat upang labanan ang stigma at responsableng i-kampanya ang mental health, kaya labis na nakakadismaya ang pahayag ni Olivar.
Ang naturang blogger ay naging laman ng mga balita dahil sa sexist federalim campaign nito kasama ang kaibigang si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, pag-insulto sa mga PWD dahil sa sign language video nito, at bomb scare sa social media noong kasagsagan ng rally laban sa martial law declaration.
Kaya tanong ni Naguit, bakit hindi pa rin mapanagot si Olivar at tila hirap na hirap ang administrasyon sa pagsingil sa accountability.