Rep. Bertiz, nag-sorry “inappropriate joke” sa PRC oath taking ceremony

Humingi ng paumanhin si ACTS -OFW Partylist Rep. John Bertiz kaugnay sa viral video nito, na kuha mula sa oath taking ceremony ng Philippine Regulatory Commission o PRC.

Ayon kay Bertiz, biro lamang ang kanyang sinabi sa oath taking ng mga bagong agricultural at biosystem engineers.

Sa kanyang talumpati, tinanong ni Bertiz ang mga manunumpa kung kilala ba nila si Special Assistant to the President Bong Go.

Subalit nang sumagot ang mga ito ng hindi, sinabi ni Bertiz na hindi mabibigyan ng PRC ID ang mga ito.

Si Bertiz ay “proxy” o kumatawan kay Go sa nasabing pagtitipon.

Paglilinaw ng mambabatas, walang kinalaman si Go sa kanyang naging pahayag.

Ani Bertiz, responsable naman siya sa kanyang mga pahayag pero kanyang inamin na “inappropriate” ang kanyang biro.

Wala din aniya siyang masamang intensyon sa kanyang sinabi na inihalintulad niya sa mga ginagawa ng stand-up comedians.

 

Read more...