Nagpasya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na palawigin ang “duration” o itatagal ng mga special permit na kanilang ipagkakaloob sa mga prangkisa ng bus para sa darating na Undas 2018.
Batay sa board resolution no. 077, sa halip na mula October 30 hanggang Novermber 3, ang special permits ay magiging balido mula October 30 hanggang November 5.
Ang naturang pagpapabago ng duration ng special permits ay amyenda sa kasalukuyang polisya hinggil sa pag-iisyu ng special permits.
Paliwanag ng LTFRB, ito ay para sa kapakanan ng mga pasahero, lalo na ang mga bibiyahe papasok at palabas ng mga probinsya na bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa panahon ng Undas.
Kaugnay nito, kinumpirma ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada na nag-umpisa na ang filing para sa special permits noong September 24, at ang deadline ay sa October 5, 2018.
Ani Lizada, ang 25% lamang ng prangkisa ng bus ang pwedeng mag-apply upang matiyak na hindi maaapektuhan ang ibang ruta.