Kaso ng HIV sa bansa aabot sa halos 300,000 sa susunod na 10-taon ayon sa DOH

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagbabala ang Department of Health na aabot sa halos 300, 000 ang magkakaroon ng person living with HIV sa taong 2028.

Sa media forum sa Vigan, Ilocos Sur, sinabi ni Dr. Joselito Feliciano, OIC Director ng Philippine National Aids Council, sa kanilang pagtaya ay posible itong umakyat sa 265,900 pagdating ng nasabing taon.

Paliwanag ni Dr. Feliciano ito ay kung walang gagawin ang pamahalaan Pero dahil mayroon namang ginagawa ang gobyerno posibleng hindi ito mangyari.

Gayunman, sinabi nito na kailangan ng kooperasyon ng publiko upang mapababa ang bilang ng taong may HIV.

Marami naman aniyang nakakakuha ng tamang impormasyon pero hindi ito nagagawa dahil marami ang nahihiya tulad na lamang ng pagbili ng condom upang gamitin sa pakikipagtalik.

Karamihan anya sa nagkakaroon ng HIV ay nasa edad 15 hanggang 24.

Ikinatuwa naman nito na nagiging open-minded ang simabahang katolika sa programa ng pamahalaan para makaiwas sa pagkakaroon ng HIV ang kanilang mga parokyano maliban lamang sa paggamit ng condom na isinusulong DOH ang nais ng simbahan ay gamitin ang konsensya.

Hanggang ngayong July 2018, nakapagtala ang bansa ng 79,700 ang nagkaroon ng HIV.

Read more...