Hinimok ni Senador Gringo Honasan ang mga sundalo na huwag gagayahin ang kanilang ginawa noong 1986 na pag-aaklas laban sa pamahalaan.
Ipinaalala ni Honasan na mandato ng mga sundalo na magpatupad ng mg polisiya ng gobyerno at hindi iinterpret ang mga kautusang ibinibigay sa kanila.
Iginiit pa nito na mayroong chain of command na dapat lamang sundin ng mga sundalo at hindi dapat baliin.
Binigyang-diin ng senador na dating sundalo na dapat magtiwala ang lahat lalo na ang publiko sa sistema ng gobyerno sa kabila ng mga imperfections nito.
MOST READ
LATEST STORIES