House Speaker Arroyo naniniwala sa ‘Red October’ ouster plot kay Duterte

Tiwala si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may sapat na basehan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinasabi nitong planong pagpapatalsik sa kanya.

Ayon kay SGMA, mayroong nakukuhang impormasyon ang isang pangulo na hindi inilalahad sa publiko.

Ito rin anya ang kanyang naranasan noong siya ay pangulo pa ng bansa.

Samantala, tikom ang bibig ng pinuno ng Kamara sa warrant of arrest na inisyu laban kay Senator Antonio Trillanes.

Magugunitang ang kaso laban kay Trillanes ay kaugnay sa ginawa nitong pag-aalsa noong pangulo pa ang ngayon ay House Speaker.

Read more...