Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng gun-for-hire-group sa engkwentro na naganap sa Payatas Road sa Quezon City.
Ayon sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, tatlong linggo nilang isinailalim sa surveillance ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon sa ilegal na gawain ng mga ito.
Matapos ang surveillance, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng baril sa mga suspek at sa Payatas Road nila napagkasunduang magkita.
Kalibre 38 at 32 na baril ang napagkasunduang bibilhin ng poseur buyer sa halagang anim na libong pisong.
Pero bago pa magkaabutan nakatunog ang mga suspek na pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ang mga ito.
Doon na rumesponde ang mga nakabantay na pulis sa lugar na ikinasawi ng dalawang suspek.