Ayon sa mambabatas, magbo-boomerang ang nasabing hakbang ng korte sa administrasyong Duterte sa mga susunod na araw.
Ito aniya ay sa pamamagitan ng kawalan na ng tiwala ng taumbayan sa pamahalaan.
Inakusahan din ni Villarin na may kamay ang Malakanyang sa pagpapalabas ng Makati RTC Br. 150 ng warrant of arrest kay Trillanes para sa non-existent rebellion case.
Samantala, ayon naman kay dating Deputy Speaker at Quezon 4th District Rep. Erin Tañada, iginagalang niya ang desisyon ng korte pero hindi ang naging pasya ni Judge Elmo Alameda.
Paliwanag nito, walang basehan ang pagpapalabas ng warrant of arrest dahil matagal ng dismissed ang kaso laban kay Trillanes at ginawa lamang ito upang busalan ang senador.