Dahil sa panibagong kontrobersiya sa paliparan ng bansa kaugnay sa pagtatanim umano ng bala sa bagahe ng mga pasahero, kumalat sa social media ang mga larawan ng ‘tanim-bala’ o ‘laglag bala’ memes.
Ang ilang netizens, nagpost ng larawan ng mga balot na balot na bagahe habang may nag-edit pa ng larawan na mismong pasahero ang ibinalot para makaiwas sa sindikato ng ‘laglag bala’.
May gumawa rin ng larawan ng isang magsasaka na sa halip na palay ang itinatanim ay bala at may nakasulat na “STOP tanim bala at the Airport”.
Narito ang ilan lamang sa mga ‘laglag bala’ memes na kumakalat ngayon sa facebook:
MOST READ
LATEST STORIES