Taxi driver iimbestigahan ng ‘laglag-bala’ matapos isumbong ng kaniyang pasahero

Laglag Bala from LTFRB_Chairman Twitter 2
Mula sa LTFRB_Chairman Twitter Account

Iimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang taxi driver na maaring sangkot sa pagtatanim ng bala sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, padadalhan nila ng sulat para pagpaliwanagin ang driver at operator ng Vigil taxi na may plate number na UVK 190.

Sa Facebook post ng isang Julius Niel Habana, isang kaibigan niya na seaman ang sumakay sa Vigil taxi noong October 29 patungo ng NAIA.

Nagprisinta ang driver na buhatin ang kaniyang bag at inilagay sa compartment ng taxi pero kaagad na napansin ng pasahero na may inilagay ang driver sa bag ng biktima.

Sa halip na tumuloy sa airport ay dumiretso ang kanyang kaibigan sa boarding house niya at dito na pinabuksan ang bag at nakita ang bala ng isang caliber .38 at
Nang sitahin nila ang driver ay ito pa aniya ang galit at matapang.

Dahil mahuhuli na sa flight ang seaman ay hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at humanap na lang ng ibang taxi.

Sinabi ni Ginez na nais nilang siyasatin ang alegasyon sa pagtatanim ng bala ng isang driver.

Kapag naipadala raw nila ngayon ang summon sa taxi driver at operator ay itatakda nila sa Miyerkules ang pagdinig sa isyu.

Sa ngayon, ayaw pang sabihin ng LTFRB na posibleng umabot na sa sektor ng transportasyon ang ‘laglag bala’.

Mas makabubuti raw na imbestigahan muna ang isyu at papanagutin ang mga taxi driver at operator na masasangkot dito.

Read more...