Sa video, ang warrant of arrest ay isinilbi ng opisyal ng pulis kay Trillanes sa harap nina Senate President Vicente “Tito” Sotto at iba pang mga senador.
Si Makati police chief Supt. Rogelio Simon ang nagbasa ng warrant of arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court branch 150.
Naroroon din si NCRPO Chief Guillermo Eleazar.
Mapayapa namang sumama si Trillanes na sasama sa arresting team, na nagdala sa kanya sa Makati City Police headquarters para sa booking procedure, hanggang sa Makati RTC para maglagak ng piyansa.
(EXCLUSIVE) Watch: PNP officilas serve the warrant of arrest to Sen. Antonio Trillanes 4th in front of SP Sotto and other senators. #sentrillanes pic.twitter.com/OQrKRb65Dh
— Senate of the Philippines (@senatePH) September 25, 2018