Mga panuntunan “properly observed” sa pag-aresto kay Trillanes – PNP

 

Photo c/o NCRPO

Naging maayos ang pag-aresto ng mga pulis kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon sa report mula kay Police Chief Supt. Benigno Durana, ang tagapagsalita ng Philippine National Police o PNP, ang mga Police Operational Procedures at panuntunan ng korte ay “properly observed” sa pag-aresto ng mga pulis sa mambabatas sa Senado.

Ang arresting team ng Makati City Police Station ang nagsilbi kay Trillanes ng warrant of arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court branch 150.

Pinangunahan ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang paghuli kay Trillanes, at inekortan pa sa Makati City Police headquarters kung saan siya sumailalim sa booking procedures at medical check-up bago mag-bail.

Matapos namang maglagak ng P200,000 na piyansa ay pinakawalan ng mga pulis si Trillanes.

Ang senador ay nananatili pa rin sa building ng Mataas na Kapulungan

 

Read more...