Mga nasawing lider ng katutubong Lumad, ipinagtirik ng kandila sa Liwasang Bonifacio

LUMADS
Kuha ni Ruel Perez

Nagtirik ng kandila ang mga katutubong Lumad sa Liwasang Bonifacio para sa mga yumao nilang lider at mga mahal sa buhay.

Mula sa pagkakampo sa UP Diliman sa Quezon City ay nagtungo ang mahigit 50 mga katutubo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Nagtirik ng kandila at nag-alay ng dasal ang mga Lumad sa mga kasamahan na umano’y napatay ng mga para-military group sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-angkin sa mga lupang minana pa sa mga ninuno para sa malalaking mining companies.

Bitbit ng mga Lumad ang mga larawan ng kanilang mga lider na nasawi.

Dumating ang caravan ng mga Lumad sa University of Sto. Tomas sa Espanya Maynila at saka nagmartsa patungo sa Liwasang Bonifacio.

Bukas may mga ikinakasa pa rin na mga kilos protesta ang grupo ng mga katutubong lumad sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Justice.

Read more...