LOOK: Mugshot ni Sen. Trillanes

 

Photo c/o NCRPO

Sumailalim na si Senador Antonio Trillanes IV sa booking procedures sa Makati City Police Headquarters.

Doon ay kinuhanan siya ng mugshot at finger prints.

Sa Makati Police Headquarters siya idineretso ng mga pulis, matapos isilbi ang warrant of arrest sa Senado.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Makati Regional Trial Court branch 150, makaraang pagboran ang mosyon ng Department of Justice o DOJ.

Sasamahan naman ni NCRPO chief Guillermo Eleazar si Trillanes sa paglalagak ng piyansa sa Makati Regional Trial Court branch 150.

 

Read more...