Trillanes, maglalagak ng piyansa sa Makati RTC

 

Maglalagak ng piyansa si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito’y kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court branch 150.

Sa kanyang maikling press conference sa Senado, sinabi ni Trillanes na normal lamang ang kanyang nararamdaman, sabay sabing “been there, done that.”

Aniya, sasama siya sa mga magsisilbi ng warrant of arrest, kahit pa hindi makatarungan ang pagpapa-aresto sa kanya.

Giit ni Trillanes, ipinakita na niya ang lahat ng mga pwedeng ipakitang ebidensya, nagprisinta rin siya ng mga testigo at nag-admit ng guilt kaya siya nabigyan ng amnestiya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

As of 3:10PM, ay paalis na si Trillanes sa Senado upang magtungo sa Makati RTC upang maglagak ng P200,000 na piyansa o bail.

 

 

Read more...