Mag-asawa at kanilang anak timbog sa drug raid sa Legazpi City

Arestado sa isinagawang raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Legazpi City, Albay ang mag-asawa at kanilang anak na lalaki.

Ayon kay PDEA-Bicol acting director Christian Frivaldo, nadakip ang mga suspek na sina William Chua, asawa niyang si Elvira at anak nilang si Eric Ian sa kanilang bahay sa Barangay Bitano.

Nakuha mula sa mag-anak ang 35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P210,000.

Ang mag-anak na Chua ay itinuturing na high-value targets ng mga otoridad.

Kasama rin sila sa drug watchlist ng PDEA.

Read more...