Tricycle drivers at mga tindera sa palengke sakop ng AlkanSSSya program ng SSS

12209309_10206694365972952_1024645724_oAabot sa dalawang daang katao na pawing mga tricycle drivers at nagtitinda sa palengke ang makikinabang sa “AlkanSSSya Program” ng Social Security System (SSS).

Sa isinagawang 2nd Grand Launching ng programa sa Quezon City Memorial Circle Basketball Court, tinanggap ng anim na informal sector groups (ISGs) ang kanilang AlkanSSYA units.

Kabilang sa mga ito ang mga miyembro ng Project 4 Market Vendors Association at limang tricycle operators and drivers associations (TODA) na kinabibilangan ng Quirino TODA, Hi Top TODA, Unang Hakbang TODA, San Roque TODA at Marilag – JP Rizal TODA.

Ang AlkanSSSya Program ay microsavings scheme ng SSS para sa mga ISGs.
Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng ahensya na matulungan ang mga self-employed at mga vulnerable workers gaya ng mga tricycle driver at mga market vendor.

Gagamitin ang AlkanSSSya units, para pag-impukan ng araw-araw na ipon ng mga manggagawa para sa kanilang SSS contributions.

Read more...