Nasawi sa landslide sa Naga City, Cebu 55 na

CDN Photos

Umabot na sa 55 ang bilang ng mga nahukay na nasawi sa landslide sa Naga City, Cebu.

Sa nasabing bilang, 20 na ang nailibing sa public cemetery sa Barangay Naalad, Naga.

Sa isinagawang misa kahapon, nanawagan ang pamilya ng mga nasawi na itigil na ang quarrying sa lugar.

Naniniwala ang mga residente na ang pagguho ng lupa ay bunsod ng quarrying operations.

Maliban sa 55 na nasawi, mayroong pang 45 na nawawala habang 10 naman ang sugatan.

Read more...