Lalaki patay matapos madulas at malunod sa Pasig River

Kuha ni Ronie Blaza

Patay ang isang lalaki makaraang aksidenteng mahulog sa Pasig River sa Paco, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Pedro Edward Logarilla, 56, at empleyado sa barge sa Pasig Ricer.

Ayon naman kay Ruel Vergara ng Philippine Coast Guard, natagpuan nila ang katawan ng biktima sa lalim na 10 hanggang 15 talampakan.

Dumagal ng dalawang oras ang paghahanap ng mga tauhan ng coast guard na sumisid sa ilog.

Ayon sa mga residente salugar, nakainom si Logarilla at umihi ito sa ilog pero aksidenteng nadulas kaya nalunod.

Read more...