Lumagda sa panibagong free-trade agreement sina US President Donald Trump at South Korean President Moon Jae-in.
Ito ang kauna-unahang mahor agreement sa trade agenda ng administrasyon ni Trump.
Ginawa ang paglagda sa kasunduan sa UN General Assembly na dinadaluhan ng dalawang lider.
Sa ilalim ng kasunduan sinabi ni Moon na mas mapapadali ang palitan ng negosyo at pamumuhunan ng dalawang bansa.
Sa nasabi ring pagtitipon ay kinumpirma ni Trump na magkakaroon ng ikalawang pulong sa pagitan nila ni North Korean leader Kim Jong Un.
Magaganap aniya ang pulong sa lalong madaling panahon.
MOST READ
LATEST STORIES