Ito’y batay na rin sa ulat ng Commission on Audit o COA na bigo ang pamahalaan na gastusin ang mahigit isang bilyoing pisong emergency funds mula sa foreign at local donations, at mula sa bahagi ng calamity funds para sa quick response sa natural disasters.
Nakasaad pa sa COA report na ang 1 billion pesos ay itinago raw ng Office of Civil Defense sa kabila ng matinding pinsala na idinulot ng mga nanalasang malalakas na bagyo na kumitil sa buhay ng maraming residente at nag-iwan sa mga pamilya na walang tirahan.
Ayon kay Benitez, kailangang mabusisi ang naturang COA report, lalo’t patuloy na may mga tumatamang kalamidad sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Benitez na walang sapat na paliwanag o justification ang hindi pagbibigay ng tulong para sa mga nangangailangang biktima ng trahedya.
Ani Benitez, kailangang ipatawag sa congressional probe ang mga opisyal ng COA at OCD para maipaliwanag ang audit findings.
Nabatid na kasama sa “list of events” na tumanggap ng donasyon pero “unspent o underspent” ay ang Zamboanga siege; lindol sa Bohol; at Supertyphoon Yolanda na pawang nangyari noong taong 2013.