Sa report ng CNN, dumating ang hindi pinangalanang sundalo sa Fort Bragg, North Carolina na naka-costume bilang isang suicide bomber.
Ang ginawa ng nasabing sundalo ay nagdulot ng emergency response at pagtataas ng alerto sa nasabing military base.
Batay sa report, nakasuot ng explosive vest ang sundalo na kahalintulad ng ginagamit ng mga suicide bomber.
Kinailangang rumesponde ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division pra i-clear ang lugar na nauwi pa sa pagsasara ng buong base.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente, pero ayon sa sundalo, ang kaniyang costume ay para sa Halloween party.