Guro, dinukot sa Sulu ayon sa BassaKao

Dinukot ang isang guro sa Jolo, Sulu ayon sa Bangsa Sug Against Kidnapping and Other Crimes (BassaKao).

Kinilala ni BassaKao Convener Doctor Raden Ikbala, ang teacher na dinukot na si Shariff Benjamin Ubaid.

Si Ubaid ay guro sa Luuk sa nasabing lalawigan.

Aniya, Sabado pa dinukot ang biktima at Lunes na nang malaman ito ng Bassakao.

Ayon kay Education Secretary of the Autonomous Region in Muslim Mindanao Rasul Mitmug, wala pa silang opsiyal na report na natatanggap kaugnay ng insidente.

Read more...