Ayon kay James Jimenez, tagapgsalita ng Comelec, na kanilang pinag-aaralan ang pagkakaroon ng nasbaing sistema para mas maraming mga tao ang makalahok sa mga gaganaping eleksiyon sa hinaharap.
Kasunod ito ng mga katanungan kung ang mga taong hindi makakapunta sa mga local Comelec offices ay maaring magparehisto saanman.
Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng ‘register anywhere’ na sistema ay nangangailangan ng pag-amiyenda sa Voter Registration Act of 1996 na nagsasad kung saan pwede magparehistro ang mga botante.
Aniya hanggat hindi napapalitan ang nakasaad sa batas ay hanggang satellite registration sa parehong lungsod o munisipalidad lang ang maaring magawa ng Comelec.