PNP, umaasa na may mga survivor pa sa landslides sa Benguet at Cebu

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na meron pang mga maililigtas na mga survivor sa mga naganap na insidente ng landslide sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu.

Patuloy pa rin ang pagtulong ng pulisiya sa isinasagawang search and rescue operation sa dalawang landslides.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ay hindi sila sumusuko at nanatiling positibo sa sitwasyon.

Aniya, masusing binabatanyan ang isinasagawang mga operasyon kung saan kaisa ang PNP search and rescue units.

Nagbigay na rin ng direktiba si Albayalde sa mga concerned staff na siguruhing naibibigay ang mga kinakailangan mga probisyon o kagamitan para sa isinasagawang operasyon sa dalawang lugar.

Read more...