Presyo ng produktong petrolyo muling tataas ngayong araw

FILE

Kasado na ang ika-pitong sunod na linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa abisong inilabas ng mga kumpanya ng langis, madadagdagan ng 40 sentimo ang bawat litro ng gasolina, habang magmamahal naman ng 20 sentimo ang kada litro ng diesel.

Samantala, magkakaroon ng 15 sentimong dagdag sa presyo ng bawat litro ng kerosene o gaas.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng panibagong oil price hike para sa araw na ito ang mga kumpanyang Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, Total, at UniOil.

Ipatutupad ang naturang oil price adjustment mamayang alas-6 ng umaga.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Read more...