Nanawagan si US President Donald Trump ng aksyon sa nagpapatuloy na pandaigdigang drug trade.
Sa ikalawang general assembly meeting ni Trump sa mga world leaders ay kanyang ipnanawagan ang pagkakaroon ng pandaigdigang aksyon laban sa ilegal na droga.
Ang US ay ini-sponsor ang U.N. Global Call to Action on the World Drug Problem na meron ng mga pirma mula sa 130 UN member states.
Ang mga bansang ito ay nangangako ng karagdagang mga aksyon o solusyon laban sa problema sa ilegal na droga.
Ayon kay Trump, dahil sa droga ay mas maraming mga tao ang namamatay mula sa drug addiction sa ibat ibang mga bansa kasama na ang US.
MOST READ
LATEST STORIES