Tiniyak ito ni Secretary Alan Peter Cayetano, bago umalis papunta sa US para dumalo sa UN general assembly.
Alam ni Cayetano na maraming undocumented Filipino ang tatamaan ng paghihigpit sa green card kaya may direktiba na siya sa Embahada ng Pilipinas sa US na bigyan ng ayuda ang mga nasabing kaso.
Sinabi ng kalihim na bagama’t handa silang tumulong, ang pasya patungkol sa pagbibigay ng visa at immigration privileges ay desisyon pa rin ng pamahalaan ng US.
Matatandaang isa sa campaign promise ni US President Donald Trump ay higpitan ang immigration at bawasan ang mga immigrant na nananatili sa kanilang bansa.