Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, hindi sapat ang inilaang pondo para sa rehabilitasyon.
Dahil dito, gumagawa na aniya sila ng isusumiteng master plan sa Office of the President.
Nagkaroon din aniya ng dalawang suggestion para rito; una ay makiusap ng supplemental budget para mabigyan ng pondo ang mga lugar na kailangang ayusin at pangalawa, isama ang rehabilitasyon sa 2019 budget.
Ang kabuuang halaga ng pondo ay pagbabasehan sa assessment ng kagawaran.
Umaasa naman aniya ang DA na mahihikayat nila ang Kongreso para sa karagdagang pondo.
MOST READ
LATEST STORIES